Sunday, October 26, 2008

happiness


laarni, allan, and allan's mom


bliss...hay :)

Sunday, October 19, 2008

quotable quotes

Got this from Friendster bulletin board posted by Rommel. Sabi daw ang mga quites na eto ay galing ke Bob Ong, pero in my opinion, hindi naman yata. Im a fan of his books and talagang binalikan ko yung mga libro nya para tingnan kung me mga ganito nga, wala naman. Pag me oras, ipopost ko din yung mga talagang asa books nya na quotable at talaga namang tagos sa puso :)...

"Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba. Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang. Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

Sunday, October 05, 2008

quotes

"eh di ibang tao naman ang pasiyahin natin"
- msgr. matt garcia 10/01/08

"sa ugaling mong ganyan, si _____ na ang piliin mo. humanap ka ng taong mas mahal ka kesa sa ikaw ang mas me mahal. Kapag mas mahal ka, hindi ka lolokohin at lahat gagawin para sayo. Pero kung ikaw ang mas me mahal, ikaw ang gagawa ng lahat ng paraan para mahalin ka nya..."
- inay rory 10/05/08 (habang naglalakad kami ng 1:30am sa kahabaan ng Katamanan St. senti moments)

"3 lessons from the Gospel today:
1. God plans what is best
2. God can make a straight line from our crooked lines/crooked decisions
3. God send messengers in our lives

Pag may gulo sa buhay mo, ibig sabihin, may kailangang ayusin. Kapag wala ng gulo ang buhay mo, matakot ka na"
- fr. adrian san juan 10/05/08 (part of the homily delivered by padre)


Maybe he is the messenger that God has given you, the unexpected one who will change your life"
- fr. adrian san juan 10/05/08 (eto ang paulit-ulit nyang sinasabi kanina habang asa office kami. he is referring to a certain person see (http://dreamsemperfidelis.blogspot.com/2008/09/thick-face.html)


"Masaya ako kung ano ang meron ako ngayon"
"Kilala nyo ko. pag gusto ko, hindi na kailangan pang pilitin ako. Pag ayaw ko, ayaw ko"
"Me hindi ako nakita sa kanya na essential sa akin. Kapag wala yun, useless lang"
"Willing pa naman po ako maghintay"
- laarni (mga sagot ko sa lahat ng sinabi nila hehehe)
sa ugaling mong ganyan, si _____ na ang piliin mo.