Friday, September 25, 2009

muffins


muffins anyone?

Tuesday, September 22, 2009

edward and bella

It doesn't matter how long it would take for love to find you,
what you should know is that...

out there somewhere
their is someone...

someone who will love you...

more than how Romeo loved Juliet

more than how Jack loved Rose

and even more than how
Edward loved Bella...



Sender:
Richelle
+639274480448

Received:
20:42:48
20-09-2009

Friday, September 11, 2009

coffee


Last Saturday while in Starbucks with Richelle and Lester, nagpustahan kami ni Richelle, pinag-seserve ko kasi siya ng 9:30am dahil hindi siya makakapag-serve ng 7pm dahil sa UAAP...

Ganito yung usapan namin:

L: pustahan hindi ka makakapagserve

R: pustahan, makakapag-serve ako oh

L: pustahan hinde

R: o sige, pag nag-serve ako, hindi ka magkakape ng 1 week!

L: ha! yun lang pala, o sige! (malakas ang loob ko kasi 85% of the time, hindi siya nakakapag-serve)

R: kapag nag-break ka sa pustahan natin, magko-confess ka ke Fr. A!

L: sure! pag nanalo ako, 1 week mo ko ililibre ng frap

R: sure!

habang si Lester eh nakikinig lang...



The following day, Sunday 10am. nagtext si Lester:

Lester: patay ka, nag-seserve si Richelle

Laarni: syet! wala akong kape ng 1 Linggo!


Backgrounder: You know how i love fraps... no, erase that, i live for fraps....


Sunday evening, nagtext ang frog:

Richelle: nag-serve ako kanina :)

Laarni: i know... syet... kanina after manood ng movie, nag-ice cream na lang ako :(

Richelle: naawa ako sayo teh... sige na nga pwede ka na uminom ng kape

Laarni: hinde, patutunayan ko na kaya ko to...


me and my stupid pride...


kahapon, while nakasakay sa service, dumaan ba naman sa harap ng Immigration. Me starbucks dun, parang nang-aasar pa yung katabi ko, "arns, masarap ba kape dyan?". tumango na lang ako, sabay buntong-hininga


5 days na... 2 days to go...


gustong-gusto ko na pumunta at mag-order ng "1 venti mocha frappucino"

sweldo pa naman ngayon... waaaaah!!!!!!!!!!!!!!!!



Note: makukuntento na lang muna ko sa pictures for now... except kung hindi ko talaga mapigilan at magkape din ako mamya after ng meeting...

*evil grin*



Wednesday, September 09, 2009

updates updates at updates ulit

natagalan na naman ako mag-update tsk tsk tsk...

what kept me busy?

august 18-21: risk comminucation coordination meeting with DOH and partner agencies like DND, PCG, DILG...

the following week, kinuha ko yung offset ko kasi nasarapan ako ng tulog hehehe

august 28: dinner and ASAP Sessionistas with gen, vera and angela (my elementary barkada)
i think this is the 4th time na yata na lumalabas kami kaya medyo nagkakatotoo na yung plans namin na get-together every month. san nga ba kami next month... the concert made me a certified Richard Poon fan! *swoon* :)

pagka-report ko sa office MOnday morning, me bureau order na naman na bago sa table ko kaya:

september 1-4: gender and development naman sa baguio

june 2006 (ay, nagpunta din pala kami nila sing para mag SM nung april 2008) pa ang huli kong punta sa summer capital, graduation gift ni ate. kasama ko si ate, andres and his family tsaka si lester. memorable yun kasi 1st time na me kasama ako na kaibigan ko sa bakasyon. memorable din kasi nabisita ko si teejay, yung classmate ko nung college, sa PMA

kainis lang, kasi pagkita ko sa camera ko, naiwan ko sa laptop yung memory card! grrr!!! buti sana kung yung batteries lang, madaling mapalitan...

infairness naman, nakapagpahinga ako. Pero hindi pa yung bonggang-bonggang pahinga na inaasam asam at ipinangako ko sa sarili ko once matapos ang A H1N1 activities. pero oks na yun, wag ng choosy hehehe

in between, sinisingit ko ang pag-attend ng klase at pag-gawa ng mga requirements...

shucks, matatapos na ang semester, wala pa din ako naipapasa na questionnaire at revised Chapter 2... Sir, bear with me please!!!

last satuday (September 05), i attended the CLP of Singles for Christ

yep, after a looong loong time na "niligawan" ako para umattend, i finally said Yes and gave it a try. Actually, obligatory sa mga singles ng Ministry ang pag-attend at me evaluation kami after ng 13 Saturdays hehehe! though before pa binaba ni Padre yung letter nya, naka-set na naman ako na pupunta ako. (and it doesn't hurt na si pat na ang unit head hahahaha!!!)

hanggang dito na lang muna :) will post pics from my baguio training

EDITED: while reviewing my posts, napansin ko na di ko pa pala naikukwento ang aking bagong baby! bad! you know what happened to my beloved Vivi db? hay, until now di ko pa din magawang idelete yung pics at pinaka-huling video nya.... anyway, i bought Chammy last july 11. pagka-panganak pa lang sa kanya, pina-reserve ko na agad ke teddy. technically, tita nya si Vivi :) they have the same color and breed (dachshund) yun nga lang medyo lumabas na yung pagka-wirehaired ni Chammy kaya mabalahibo yung part ng dibdib nya. fernando jose nga tawag namin sa kanya hehehe! i'll post her pics kapag me maganda na siyang posing, me pagka-camera shy kasi