just a quick update....
- it's already 1:43am and im still up, currently extracting the file given to me by the COMELEC district 2 office for the computerized voter's list of the 100+ barangays in district II Manila. it turned out, someone encoded the list in just one Word file! imagine, a Word document with a 322mb size and 6,599 pages!!! kawawa ang mga computer na ginagamit ko, 30minutes bago magbukas. hay... di man lang ginawa na per barangay ang file. hindi lang naman yun ang pumalya, the database that they gave me for the SK registration requires a database password! sabi ni manong COMELEC, balik na lang daw ako para ieextract nya. kamusta naman yun db? eh puro absent na ko.... kaya ayun, kapit sa patalim! hehehe! buti na lang me mga kaibigan ako na di nang-iiwan sa ere... tin asked somebody para ihack yung file! viola! in less than 10 minutes, bukas ang file! thanks khristine! anyway, nakaka-2000+ pages na ko. hope umabot sa sunday para magamit sa monday elections. pangatlong straight ko na to na walang tulugan, buti na lang i found a new friend... thanks espresso!!!
- last october 15, ma'am charlene asked me what are my plans...ininform ko kasi siya na mag-aaral na ko. eh naghahanap siya ng sakit sa ulo agad, dapat after office hours ko pa sasabihin na magreresign na ko. eh nagtanong, eh di sinagot ko. sabi ko magfufull time na ko effective december 15... ayun, me mga plano daw siya sa akin.... ipapahandle na daw nya sa akin lahat ng arts and crafts stuffs...pag-isipan ko daw mabuti... at ayun, offer na naman, baka naman daw gusto kong magpart time, sabi ko pag-iisipan ko pero actually, ayaw ko na talaga because of the following reasons:
1. ayaw kong magtrabaho sa mga taong walang tiwala sa mga tao nila (the Daily Summary Report incident wherein Ma'am Lala had me track down why the others (including moi) did not submit their DSR during the duration of her leave and asking me bakit matagal gawin ni ano ung ganito....haller! kung gusto mo masiguro ginagawa ng tao mo, huwag umalis!
2. gusto ko naman ng pahinga... kahit man lang yung tuwing sabado eh malibre.
3. gusto ko na din mag-aral ulit....
4. stagnant ako dun, marami ng na ipangako sa akin na ganito ganito per0 sa 10 pangako, 11 di natupad.
5. maganda yung sa inapplyan ko, it involves travel (sana nga lang matanggap ako!)
6. ayoko na ng tuwing magpapaalam ako na hindi makakapasok. ang laging tanong "madalas ba yan?"
As of kanina, andun na yung 2 bago. Pinapatrain na sa akin ni Ma'am pero sabi nya, it doesn't mean daw na yun na ang magiging kapalit ko kasi 2 years is 2 years (referring sa tagal ko sa company). Ipasa ko na daw yung resignation letter ko, and ano na daw sagot ko sa offer na magpart time - the answer is NO (pero di ko pa nasasabi :)
- brgy and sk elections are set on monday, oct 29.... kaya wala munang tulugan to hanggang sa monday night. buti na lang naka-leave na ko kinabukasan (oct. 30) yehey!!!
- starting nov. 5, balik estudyante ulit ako. i enrolled in the program master in public administration sa PUP. buti pinayagan ako na 12 units, monday to thusday ang pasok ko, 6-9pm! patayan na to! ok na yun, kesa naman yung every saturday lang ang klase pero 8:00am to 8:30pm! hehehe! honestly, sobrang excited ako.... at least im doing ok na.
yun lang muna.... sa susunod na lang ulit pag me time ako....
No comments:
Post a Comment