Friday, February 08, 2008

kilig I

02/06/08


Kakatuwa kanina, hindi ko inexpect na kasama ka. Hindi na nga ko tumitingin sa schedule nyo kasi feeling ko useless din naman dahil hindi din naman kita nakikita kahit na sa clinic ka naka-assign. Your my "crush who wouldn't materialize" hehehe! Masaya na ko kapag tinutukso ka nila sa akin, pero i know naman na it is a far-fetched idea na magustuhan mo ko. But who knows? i'll storm the heaven with my prayers, and baka, baka lang naman, pakinggan ni God yung prayer ko :) Cute pala ng smile mo dokie! gentleman pa.

Pansin ko etong mga major kilig moments:
1. Chineck mo kung naka-lock yung pinto ko kanina sa sasakyan - Super Major Pogi Points!!!
2. Pina-uuna mo ko pumasok sa pinto
3. Pinag-bubuksan mo ko ng pinto
4. Kanina nang tinatanong ako kung pano malalaman kung fresh o bugok yung itlig, nalaglag ko yung hawak ko na itlog. Sabi mo sa mga North Harbor boys "kayo talaga, wag nyo ngang takutin!"
5. Nung lunch, sinagot mo. Sabi mo order na ko, sabi ko di ako kakain kasi fasting ako. then sabi mo, ayaw mo na din kumain kasi di ako kakain. Sabi mo kahit juice lang umorder ako. (kaso kumain ka pa din - maki at siopao! hmp! hehehe)

anyway, dokie thanks for the kilig feeling...


Lord, bigay mo na lang sa akin si Dokie, siya na lang po ang ipalit mo. muka naman po siyang mabait :)

No comments: