Monday, September 08, 2008

more kwento

addict mode lang :D

in - prefix which means into

crush - the object of this affection
- the act of falling hard for someone even though it isn't love yet
- A person you find to be attractive


hay, im so "in-crush" ngayon with allan kabiling hehehe (so, talagang buong name nya nilagay ko)



grabe ang pagpapa-cute na ginawa ko sa kanya nung choir practice nila nung saturday. alam na tuloy ng buong manna chorale ang pagnanasa ko sa kanya hehehe!!!

kahit na sabihin nilang bading ka, i still "crush you"!!

siyempre sa mama nya muna ko nagpakilala at nagpapalakas :D

Eto ang kalokohan series na pinag-gagagawa ko:

I. after ng general assembly, sabi ko ke madam rory, aabutan ko si hermana (mom nya) ng biko...

madam: hermana, me ibibigay sayo si laarni
ako: (inabutan ko ng biko)
madam: nagpapalakas po yan para ke allan
hermana: (hagalpak ang tawa)
ako: (gusto ng matunaw sa kahihiyan)
madam: naku, i-aattest ko naman ang batang yan hermana, nagmamasters yan ha
hermana: (tinapik-tapik ako sa braso)

hindi ko ngayon alam kung ano ibig sabihin ng pagtapik nya:
a. goodluck
b. salamat sayo, magiging lalake na anak ko

waaaah!!!!!!!!!

II. after ng mass for Mama Mary, tumambay ako sa loob ng church kasama sila Ara at Bryan. Tamang-tama, palabas si hermana.

brian: good evening hermana
ako: (nakatungo ang ulo dahil nahihiya ako)
hermana: good evening din
ako: (nakatungo pa din ang ulo at nagdadalawang isip kung babatiin ko ba)
hermana: hi laarni
ako: good evening hermana, nakakuha po kayo ng cake? (habang abot-tenga ang aking ngiti at gamit ang boses ng reserved lang kapag nakikipag-usap ako sa mga clients at big bosses. in short, gamit ang pa-sweet kong boses! at gustong-gusto na magmano sa kanya kasi she still rememners me hahaha!!!)
hermana: oo nakakuha, me dala nga si allan eh.

At ang last kong kalokohan for the night, at ang pinaka-nakakahiya

pinipilit kasi ako ni tita susan na bumili ng custard cake nya kasi para maubos na. so, bumili ako ng 2 tapos piinadala ko dun sa 1 kambal. sabi ko ibigay ke tita rory dun sa choir practice

ako: tita, natanggap mo yung cake? tig-isa kayo ni hermana hehehe

at ang loka-lokang tita rory, pinabasa daw ke hermana ang aking text... tawa daw ng tawa si hermana... gusto ko lamunin ng lupa ng malaman ko...


Naaaliw lang talaga ko. kasi di ko na-imagine na magagawa ko yung mga ganung bagay after years of being quiet and reserved. masarap din pala yung feeling ng you are not holding back anything


in-crush lang talaga

:)

2 comments:

Anonymous said...

belated happy birthday to you...

Anonymous said...

belated happy birthday to you...