Tuesday, July 21, 2009

shoutout

"i miss you... but missing you is a constant reminder of what will never be and what i will never have."

Friday, July 17, 2009

good news!

yehey!!!! sa wakas, after 2 and 1/2 months, pull-out na kami from rendering 24 hours airport duty. nagshift na kasi ang response ng department, mitigation na lang and massive information campaign na ang gagawin para sa control ng A H1N1 virus. bgayon alam na kung bakit hindi ako masyado nakakapag-post ng update dito.

don't get me wrong, trabaho yun kaya kelangan gawin at tanggapin. but we have to face the fact na nakakapagod at sobrang exhausting yung nangyaring airport duty namin. plus yung mga backlog na nag-accumulate sa main office, kasi it doesn't mean naman na excempted kami sa regular office duties such as inspections, IEC developing, etc. hay, hindi ko naenjoy ang summer vacation dahil dito dahil nagstart kami ng may 1, 2009 (kami ni mam jo ang nag-bukas, kami din ang huling nag-duty nung wednesday. parang pabasa lang hahaha!)

ano ang hindi ko mamimiss sa airport duty:

1. yung sabay sabay na dating ng mga malalaking flights na me sakay na 300+ pax each. pag 10pm na, ayan na ang JAl, Nortwest, Cathay. fireworks na!!!!

2. yung puyat lalo na pag me delay na flight (lalo na sa NAIA terminal 2)

3. yung susubo mo na lang yung pagkain biglang iaanounce na flight

4. yung lahat ng bay, me flight na dumating

5. yung "unwanted smell" ng ibang pax. yung iba kasi nakainom tapos nakatulog sa flight. no offense po ha

6. yung mga maiinit na ulo ng pax na akala mo eh kami ang me kasalanan ng lahat ng paghihirap na na-experience nila sa bansang pinang-galingan nila

7. yung mga masusungit na ground crew na hindi nagdidistribute agad ng checklist kaya kami ang nasisigawan ng mga pax

8. yung sakit due to pagtayo ng ilang oras sa counter


pero siyempre, me mga mamimiss din ako sa airport duty

1. yung mga makukulit at mababait na MIA medical (mam natz, mam michelle, mam analyn, mam tweet, si doc bambi, kuya glenn, mam baby, si mark! si budz)

2. yung ice cream at garlic bread ng SQ sa gabi :)

3. "artista-watching" hahaha! sayang talaga, pinalagpas ko si Rico Blanco! hmp!

4. mga mababait na F.A. especially ng Qantas, Qatar tsaka Emirates

5. mga matatangkad na F.A. ng KLM! hahaha!

6. yung pwede ako pumasok ng 9am...excused naman kasi sobrang traffic papuntang airport

7. yung off the following day

8. libreng lunch and dinner

9. adobo ni kuya nelson

10. and siyempre, yung ground crew ng Cathay Pacific na night duty. me nakakakilala ba ke Ronald Herrera?!? hehehehe!


ngayon naman ang ipagdadasal ko ay sana magkaroon kami ng OT pay.... :)

Wednesday, July 15, 2009

Almost 2 weeks ago, i bought my new phone. Uhm,actually, credit card 12 mos to pay ke ricky hehehe.
What's my new baby? the nokia E63,red :-) nagtataka siguro yung iba bakit bumili ako ng bago ganung im still enjoying my n6300. di ko din alam, basta pagka-kita ko sa kanya,paghawak at pagtry ko, alam kong dapat magkaroon ako ng isa hahaha! Ayun,umiral ang pagiging compulsive ko, at napabili ng wala sa oras.

Review
lester: so laarni, how's your new phone?
Laarni: para siyang boylet, isa siyang malaking eye candy! Hinahanap hanap ko yung features na nasa n6300 ko,like yung shortcut sa pagtetext, yung smileys, recently used #s. Pero parang pag nagbreak lang yan eh, nasanay ka lang kasi kaya hirap ka maka-adjust dun sa bagong dumating sa buhay mo, naks! yun pala,mas madaming good characteristic yung bagong dumating,in this case, mas madaming magandang features yung e63. una na dyan,wifi ready! At san ka makakakita na me ms word,excel, at powerpoint. And kung di ka pa din kuntento,ayan me zip file pa at adobe reader hahaha! Katulad ngayon, phone blogging ang drama ko ngayon :-)
and isa pang gusto ko sa new baby ko, pwede ko etong ilabas kapag pakiramdam ko tingin sa akin ng katabi ko eh walang pera! Sa sobrang ganda (at mahal) nya, luluhod ang mga mapang-mata hahaha!

Saturday, July 04, 2009

nbn 4 taping

02 july 2009

Doc and i are currently here in the dressing room of nbn 4. The Bureau was invited to guest sa Republic Service talk show. Siya yung pinadala ng office and as usual, sinama na naman ako. Andito na kami,and ganito pala itsura ng studio hahaha. well,actually, they are now doing him (his makeup) na hahaha! Kanina nanghihingi siya ng valium sa akin, at nilalamig siya hehehe!
Low tech nman d2, ppt 2003 edition lang ang meron sila, 2007 ang ginawa ko.
Anyway, we are now in studio A waiting for the taping to start. Hindi na nagsasalita ang okraytis kong boss wahahaha! they are about to start na :-)

-phone blogging using my new baby, e63 :)