after the storm, the sun will shine again. no need to ask, just trust. this too shall pass... tuloy pa din ang awit ng buhay ko
Friday, August 07, 2009
busy...
What’s keeping Laarni busy? Well, aside sa 3x a week na masteral classes, sinisingit ko ang swimming lessons. Yes, swimming lessons :) it’s a known fact na frustration ko ang maka-langoy. Shiela invited me to try kasi siya nung summer, nakapag-basic course na and nakaka-langoy na talaga siya! Kaya nung me extra money, enroll na ko agad sa Bert Lozada Swimming School. Sa St. Stephen ang venue, and dahil sa sched ko, twice a week lang ako nakaka-punta, minsan nga once lang. Kaya yung 10 sessions ko, 1 buwan ang inabot hahaha! The coach assigned to me was Coach Sumner, kung me taong nakasalo ng patience nung sinabog eto ni Lord, siguro asa harap siya na pila kaya andami niyang nakuhang patience hehehe. First day pa lang, tinapat ko na siya na ako yung taong hindi nakakasunod sa instructions at matigas talaga ang ulo ko. Ayun, tinawanan lang niya ako. Mukang hindi pa naman siya nagsisisi na kinuha niya akong estudyante. Marunong na ko mag-glide, freestyle (na pahirapan pa) and nakaka-float na din ako, and I can do laps na kaso talagang hinihingal ako. I still have 3 more sessions to go, and balak naman ni Shiela na mag-member sa St. Stephen para makagamit kami ng pool everyday. Ayan, unti unti ko na natutupad yung mga gusto kong gawin eversince. Ang driving kaya kelan? Hhhmmm…. :)
Lesson from swimming:
“Mas mabuti ng maka-inom, kesa maka-singhot ng tubig” – Coach Sumner
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment