Saturday, January 08, 2011

G

G,
alam mo bang isa ka sa nagpapangiti sa mga araw na pagod na pagod ako? im always looking forward sa mga kwentuhan natin araw-araw. isa ka sa mga rason kung bakit naeexcite ako pag me kinalaman sa station mo ang pinag-uusapan sa office. at kaya ako nagpapaka-bait ngayon eh para maisama ako ni amo dyan pagdating ng forum..

masyado ko na-analyze ang lahat ng mga bagay at mga sinabi mo. nag-isip, kinilig at nag-assume na naman ako na maybe there is something more sa pinakikita mo. hindi ko naentertain yung possibility na baka sobrang friendly ka lang, or hilig mo lang manlande.

sana dinededma ko na lang, naki-ayon sa daloy na lang kumbaga, para hindi masyadong nahulog ang loob ko. hulog na hulog eh, hindi ako maka-ahon mag-isa.

hindi na talaga ko natuto. me medal na yata ako galing sa ASSUMPTIONISTA Inc...


p.s.
ngayon darating yung chef tony's popcorn na pina-air freight ko. enjoy mo na lang...

pia

No comments: