Sunday, February 20, 2011

goodbye G

Feb 18,2011
Disneyland Hong Kong

I'm in the happiest place on earth, waiting for the magical fireworks to start.still i couldn't help but to feel sad and incomplete. Siguro dahil hanggang ngayon, wala ka pa din sa buhay ko.
Medyo matagal na din tayong ganito, sulit na sulit ang unlitext one month ko sayo. ang eyebag ko, hindi na lang "bag" kundi "eye luggage" na kakahintay sa tuwing gagabihin ka. Suki na ko ng LBC sa ilang beses ko ng pagpapadala ng small things para sayo. Piniprisinta ko na ang sarili ko sa office para lang isama sa station nyo.
Sa totoo lang, napapagod na din ako. Napapagod maghintay na mabigyan mo din ako ng ganung attention, masuklian kahit konti yung effort ko. Pero ang million dollar question ng lahat, eh bakit, kayo ba? Na kinakatahimik ko na lang dahil alam ko naman ang sagot, hindi.

Mali ang ginawa ko na nagexpect ako, umasa na baka sakali, the feeling's mutual. I should have seen the signs, should have paid more attention. Signs that definitely say na wala kang gusto sa akin. Alam mo ba nung birthday ko, nangarap ako na makatanggap ng LBC padala galing sayo. assuming din kasi no? pero ang clincher, yung tip of the ice kumbaga, eh yung ilang beses mong hindi pagkausap sa akin ng ilang beses. Magugulat na lang ako, bigla mo na alng ako hindi kikibuin, wala man lang kahit anong explanation. Pagkatapos, bigla din kakausapin mo na naman ako. hindi ako makapagtanong kung bakit. Kasi, again, hindi naman tayo. And ngayon ko lang naisip, kahit pala minsan hindi mo nagawang mapa-ring ang phone ko (meaning, hindi mo ko tinatawagan kahit nga missed call, wala). Ganun ka lang siguro sa lahat ng babaeng kakilala mo, sweet sweetan. Kung hindi mo mahal ang isang tao, huwag ka sanang magpakita ng motibo para mahalin ka nya. Sana be careful next time, hindi mo alam kung sino ang pwedeng mahulog sa sweetness mo G. And yung ang isa sa pinaka-masakit, ang magisip na may "something" ang dalawang tao, pero wala naman pala.

Sabi sa kanta, ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pero mukhang hanggang sa pagkanta na lang ako. Sabi din ng favorite quote ko, minsan me mga bagay na hanggang doon na lang. Kailangan ko na nga sigurong unti-unting tanggapin na hanggang dito lang ang mangyayari sa atin, na hanggang sa pagiging "officemate" at "textmate" lang tayo.

Ayoko ng umiyak, kaya idadaan ko na lang sa pagsulat.

O kay sarap namng isipin
na tayong dalawa ay iisa ang damdamin
aking hinihiling na sabihin mo
ang nilalaman ng 'yong puso
-Pangarap ko ang ibigin ka

No comments: