Wednesday, October 19, 2011

giving up

After almost a year, sa tingin ko nagawa ko na lahat para maipakita na hindi lang kaibigan ang tingin ko sayo. Dinaan ko sa mga text messages na pagka sweet sweet. Pinakita ko sa pag assist sayo sa mga needs mo. Sa paghihintay at pagsama sayo hanggang sa makasakay ka ng plane pabalik sa inyo. Dinaan ko sa kanta (remember yung Migraine? "Oo nga pala, hindi nga pala tayo...") sa pagiging p.a. mo nung nandito ka sa Manila. Kahit antok na antok na ko, pinipilit ko lang to stay awake dahil i dont want to miss any text from you. I even went as far as telling you na special ka sa akin, but you just laughed and suddenly changed the topic....

Tama si Cris, hindi mo naman hiningi na gawin ko sayo yun. I did it on my own free will. Nobody told me, or forced me to do it.

Pero darating din pala yung point na sasabihin ko na ayaw ko na.

Ayaw ko na kasi masakit na kapag tinatawanan mo lang ako.

Ayaw ko na kasi nasasaktan na ko.
Ayaw ko na kasi nababalewala naman lahat ng ginagawa ko.

Ayaw ko na kasi despite ng pag eexpose ko sa feelings ko, you still remain apathetic.
Ayaw ko na kasi mas lalo pa ko nahuhulog sayo habang tumatagal.
Ayaw ko na kasi mahal na kita.
Ayaw ko na kasi alam kong hindi mo ko mamahalin pabalik.


I know i've said it many times already, but i think, this is finally it.

I give up.

pia
10.19.11

No comments: