Monday, November 21, 2011

PA for hire

monday night, nov 14, G texted me na me pinadala siya. So, 12 noon dumaan kami sa pal cargo ng service vehicle namin, galing nman kami sa kabilang airport so malapit lang. It turned out,delayed yung flight kaya past 1 na daw marerelease. Eh need na bumalik ng boss ko sa office,kaya di na kmi nagstay.

Nagtext ako sa hr na kung pwede ba na bukas na lng ibgay yung docs na kasama sa pinadala nya. D daw pwede kasi mapepenalize sila sa civil service at baka madelay pa yung issuance ng appointment paper ni G.

Ginawa ko, bumalik kami ng office, me inasikasong trabaho, 230pm, bumyahe ako pabalik ng airport. Pier-airport, commute kasi di na pwede magrequest ng sasakyan.

Pagdating sa pal cargo, 1 box pala yun, sabay buhos ng ulan. Para umabot ung papers nya sa hr before 5pm, napilitan ako magtaxi pabalik ng pier...

Ending, naipasa ko yung papers nya, nabigyan ko ng tig-4 bottles na spanish sardines si hr at boss, nagbayad ako ng 200 sa taxi, nag thank u siya, tapos di na ulit nagtext hanggang ngayon.

Ansaya saya.

dakilang PA ang peg ko.

Tinatawanan ko na lang, pero ang totoo,
2 nights na ko umiiyak dahil sa nangyari. sana lagi na lang siya me kailangan sakin, para lagi nya ko kakausapin...

No comments: