Sunday, February 05, 2012

27

i am officially 27 years and 5 days old. maraming salamat sa lahat ng mga naka-alala. nakakatuwang makita ang mga post sa Facebook wall ko, sa mga nagtext at tumawag sa office. at sa mga bumati ng personal :D

isang bagay lang ang hiniling ko, yun ay ang batiin mo ako. natapos ang araw, kahit isang impersonal na "happy birthday", wala ako natanggap.

minsan pala, kahit na gaano mo eto ipagdasal at hilingin, kapag hindi talaga para sayo, hindi eto ibibigay.

malungkot,nakaka-iyak, masakit. pero eto siguro ang dapat.

sana dumating yung araw na malaman mo kung gaano ako nasaktan sa mga nangyari. pero ganun pa man, hindi pa din nagbabago ang tingin ko sayo. ikaw pa din yung mabait, masarap kausap at matalinong nurse na nakakwentuhan ko sa poolside ng parklane hotel cebu. iniisip ko na lang na baka may pinagdadaanan ka ngayon at gusto mo lang mapag-isa. nirerespeto ko yun....

happy birthday to me

1 comment:

Anonymous said...

move k na..