nangyari na ang pinakatatakutan ko, kanina lang nakita ko, single na status nya. wala na din pictures namin. nabigla pa din ako kahit alam ko naman na mangyayari yun. umiyak na naman ako hanggang sa pakiramdam ko drain na drain na ko.
akala ko ok na ko, yun pala, pinipilit ko lang paniwalain ang sarili ko na ok na ko, na kaya ko na pero ang totoo, hindi pa talaga. hindi ko alam kung hanggang kailan at hanggang saan ang kakayanin ko. sabi nila magpakabusy ako, ganun naman ang ginagawa ko. kahit na nahihirapan ako sa office, ok lang kahit 12mn na ko umuwi, para tulog na ko agad paguwi. pero pano pag natapos na lahat ng ginagawa ko ngayon? pag wala na ko ibang makitang gagawin at pagkakaabalahan?
kahit gaano ako maging busy, at the end of the day, ako pa din mag-isa..ako pa din mag-isa ang iiyak at makakramdam ng sakit.
sabi nga ni lester, hindi ko na magagawang kalimutan lahat ng mga nangyari, mga pinagdaanan at pinagsamahan, kahit na mismo yung tao hindi ko na makakalimutan dahil malaki ang naging role nito sa buhay ko. sa apat na taon, sa kanya lang umikot at sa kanya ko lang pinagalaw ang mundo ko. lahat ng gagawin ko, kasama siya sa mga iniisip ko. sa mga ginagawa kong desisyon, kasama kong iniisip kung ano ang magiging epekto nito sa amin.
pero siya, sa isang iglap, nagdesisyon siyang tapusin ang lahat. yung 4 na taon na pinaghirapan natin, bigla mong
No comments:
Post a Comment