after the storm, the sun will shine again. no need to ask, just trust. this too shall pass... tuloy pa din ang awit ng buhay ko
Wednesday, September 17, 2008
untitled
wednesdays are spent watching tv...
no movies dates...
no mall hopping...
no hanging out...
hay...
i miss having someone who will hold my hand...
someone who will give me bear hugs...
and someone who will tell me that he loves me...
hay...
Friday, September 12, 2008
mixed emotions
Do you know what I hate? It’s when people talks behind me. But what I hate the most is when those people are people whom I consider as family. Alam kong concern kayo sa akin pero sa tingin nyo ba hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko? Oo, nagkamali na ko once regarding ke Patrick, hindi ako nakinig sa inyo noon. I admit my mistakes db? Sa tingin nyo ba gagawin ko ulit yun? Eh hindi ko naman sineseryoso yung ngayon, pero siyempre hindi kayo maniniwala. Hindi ko kaya na maging prim and proper tulad ng sinasabi nyo na gawin ko dahil for the simple reason na hindi ako prim and proper. Ganito ako eh. Very tansparent at vocal ako, maloko at mabiro pa. Pag gusto ko ang isang bagay, sinasabi ko. Pag ayaw ko, ipaparamdam ko na ayaw or hindi ako sang-ayon. After years of being reserved and quiet, ngayon ko nararamdaman na very liberating pala ang hindi ka naghohold back sa kung ano man ang sasabihin or gagawin ko. Kaya maramin tao ang hindi umaasenso dahil sa mentalidad na ang ganito ay para lang sa lalake, eto ay hindi dapat gawin ng babae at kung ano-ano pang stereotyping.
Nasasaktan ako sa mga terms na ginagamit nyo, lalong lalo na i-label ang ginagawa ko as “kalandian” at “naghahabol sa lalake” kasi I thought you know me better than that. Masakit kasi kahit ilang beses kong sabihin sa inyo na ayoko ng ganung tawag, paulit-ulit nyo pa ding binabanggit. I don’t have the luxury of time para isa-isahin kayo at i-explain kung ano ang ginagawa ko. At I think I don’t owe anybody an explanation regarding my actions. Sinubukan kong i-explain sa isang tao kung ano ang ginagawa ko, pero nakinig ba siya? Hindi, mas pinili pa din nyang paniwalaan ang sarili nyang opinion. To think na akala ko siya ang mas makaka-intindi at magtatanggol sa akin.
Hindi na ito simpleng issue lang ng pagkaka-gusto at pagpapa-cute ko sa isang tao, issue na to ng kung ano ba ang pagkakikilala at tingin ninyo sa personalidad ko. Kung hindi nyo ako matanggap sa kung ano ako, sa tingin ko wala na tayong dapat pang pag-usapan pa.
Treat this as the start of my indefinite absence from our”family”…
one for the road
Monday, September 08, 2008
more kwento
in - prefix which means into
crush - the object of this affection
- the act of falling hard for someone even though it isn't love yet
- A person you find to be attractive
hay, im so "in-crush" ngayon with allan kabiling hehehe (so, talagang buong name nya nilagay ko)
grabe ang pagpapa-cute na ginawa ko sa kanya nung choir practice nila nung saturday. alam na tuloy ng buong manna chorale ang pagnanasa ko sa kanya hehehe!!!
kahit na sabihin nilang bading ka, i still "crush you"!!
siyempre sa mama nya muna ko nagpakilala at nagpapalakas :D
Eto ang kalokohan series na pinag-gagagawa ko:
I. after ng general assembly, sabi ko ke madam rory, aabutan ko si hermana (mom nya) ng biko...
madam: hermana, me ibibigay sayo si laarni
ako: (inabutan ko ng biko)
madam: nagpapalakas po yan para ke allan
hermana: (hagalpak ang tawa)
ako: (gusto ng matunaw sa kahihiyan)
madam: naku, i-aattest ko naman ang batang yan hermana, nagmamasters yan ha
hermana: (tinapik-tapik ako sa braso)
hindi ko ngayon alam kung ano ibig sabihin ng pagtapik nya:
a. goodluck
b. salamat sayo, magiging lalake na anak ko
waaaah!!!!!!!!!
II. after ng mass for Mama Mary, tumambay ako sa loob ng church kasama sila Ara at Bryan. Tamang-tama, palabas si hermana.
brian: good evening hermana
ako: (nakatungo ang ulo dahil nahihiya ako)
hermana: good evening din
ako: (nakatungo pa din ang ulo at nagdadalawang isip kung babatiin ko ba)
hermana: hi laarni
ako: good evening hermana, nakakuha po kayo ng cake? (habang abot-tenga ang aking ngiti at gamit ang boses ng reserved lang kapag nakikipag-usap ako sa mga clients at big bosses. in short, gamit ang pa-sweet kong boses! at gustong-gusto na magmano sa kanya kasi she still rememners me hahaha!!!)
hermana: oo nakakuha, me dala nga si allan eh.
At ang last kong kalokohan for the night, at ang pinaka-nakakahiya
pinipilit kasi ako ni tita susan na bumili ng custard cake nya kasi para maubos na. so, bumili ako ng 2 tapos piinadala ko dun sa 1 kambal. sabi ko ibigay ke tita rory dun sa choir practice
ako: tita, natanggap mo yung cake? tig-isa kayo ni hermana hehehe
at ang loka-lokang tita rory, pinabasa daw ke hermana ang aking text... tawa daw ng tawa si hermana... gusto ko lamunin ng lupa ng malaman ko...
Naaaliw lang talaga ko. kasi di ko na-imagine na magagawa ko yung mga ganung bagay after years of being quiet and reserved. masarap din pala yung feeling ng you are not holding back anything
in-crush lang talaga
:)
Friday, September 05, 2008
bored
hindi naman kelangan maging "kayo" para mahalin mo ang isang tao....
saw this sa signature ng isang Peyups member, and it made me think na "oo nga no?"....
Thursday, September 04, 2008
thick face!
voltpop (8:50:12 PM): laarneh!!!
ani_44 (8:50:15 PM): po
voltpop (8:50:21 PM): wala lng
voltpop (8:50:28 PM): nakita lng kta
ani_44 (8:50:32 PM): sayang di tayo natuloy :(
voltpop (8:50:33 PM): huhuhu! sinusungitan mo ko :(
(ani_44 (8:50:36 PM): hehehe
ani_44 (8:50:47 PM): :-*
voltpop (8:50:51 PM): ang masaklap sa lahat... ang dahilan bket d ako pde eh un isa sa mga pasakit ng trabaho ko
ani_44 (8:51:00 PM): badtrip ako ngayon
voltpop (8:51:02 PM): ^(@*P@#$ talaga! :(
(ani_44 (8:51:18 PM): tahan na :)
ani_44 (8:51:22 PM): sa friday na langf
ani_44 (8:52:03 PM): ang KAPAL KAPAL NG MUKHA NYA!!!!
ani_44 (8:52:08 PM): X-(
voltpop (8:52:50 PM): friday is team building naman :((
ani_44 (8:53:03 PM): huwat?!
voltpop (8:53:14 PM): wait.. sino makapal?
ani_44 (8:53:34 PM): si ARCE DAIRY ICE CREAM!
ani_44 (8:53:43 PM): mailto:sh@$%5Et siya!
voltpop (8:53:48 PM): si morch ba yan?
ani_44 (8:53:56 PM): yung taga starbuko
voltpop (8:54:04 PM): ahhH! bket arce?
ani_44 (8:54:09 PM): surname nya
voltpop (8:54:26 PM): ahh! kala ko member sya talaga ng family na un eh
ani_44 (8:54:29 PM): ang kapal kapal!!!!!!!!
voltpop (8:54:33 PM): bket?
voltpop (8:54:34 PM): share!
ani_44 (8:54:39 PM): arg
ani_44 (8:54:43 PM): grrr!!!!
ani_44 (8:55:04 PM): ganito kasi, 1 week ako talagang hindi sumasagit sa tawag or text nya
ani_44 (8:55:48 PM): eh kahapon, medyo nakonsensya ako, nagfroward na din ako ng msg pero quote lang. sabi nya busy ka no
ani_44 (8:56:00 PM): sabi ko oo and pwede ba ko maging honest sayo
ani_44 (8:56:13 PM): sabi ko "aggressive kasi dating mo"
voltpop (8:56:50 PM): toink!
ani_44 (8:57:07 PM): so sabi nya "umiiwas ka" tapos me kasunod na text na kelangan lang daw nya talaga tulong ko sa LC ng tutuban, and after nun, hindi na siya magtatanong ng mga personal sa akin
ani_44 (8:57:31 PM): so ako, natuwa naman kasi hanggang work lang talaga ang gusto ko na mamagitan sa amin
ani_44 (8:59:09 PM): so reply ako verbatim "pcencia, ngayon lang natappos inspection ko. di naman ako umiiwas, kc kung, hindi iniiwasan kita, hindi na ko sasagot. ok lang nman sa akin 2 work wid you lalo na para naman sa ministry. bati na tayo hehehe :)"
voltpop (8:59:29 PM): hehehe
ani_44 (8:59:34 PM): akala ko ok na, eh wala pang 5 minutes, text siya na "payag ka na ba na ligawan kita"
voltpop (8:59:40 PM): :))
ani_44 (8:59:43 PM): lintian na yan, hanggang gabi ganun ang text
voltpop (8:59:54 PM): hehehe! wag na kse paalam... ligaw na agad
voltpop (9:00:11 PM): bigay na ng cake and chocolates
voltpop (9:00:14 PM): na ipapakain mo sa amin
ani_44 (9:00:21 PM): hindi ko na sinasagot up to the point na nabwisit na ko, nireplayan ko "bkt ba ganyan ang tanong mo?"
ani_44 (9:00:37 PM): hindi nya sinagot, text pa din siya na kung pwede nga daw manligaw
ani_44 (9:00:56 PM): sagot ko sa kanya "sa sept 27 formation ng new LCs" :))
ani_44 (9:01:16 PM): eto na, kausap ko si ate anne kanina. pumunta daw dun sa ofis kahapon
voltpop (9:01:36 PM): wow!
voltpop (9:01:40 PM): bibo ah
voltpop (9:01:41 PM): hehehe
ani_44 (9:02:03 PM): at ang press release ng g%#@g eh nung sinabihan daw nya ko na hindi na siya magtatanong ng mga personal sa akin, bigla daw akong bumawi ng sabi!
voltpop (9:02:12 PM): hahaha
ani_44 (9:03:13 PM): at parang dating daw eh pinapalabas pa nya na hindi naman daw siya tumatawag sa akin
voltpop (9:03:23 PM): tsk tsk
voltpop (9:03:30 PM): wag mo na pansinin
ani_44 (9:03:32 PM): pucha, eh banned na nga sa bahay boses nya eh
voltpop (9:03:36 PM): may korek ata sa ulo eh
ani_44 (9:03:55 PM): at eto pa, kinukwento daw nya na nanood siya ng 4 d first time
ani_44 (9:04:01 PM): kasama ofism8 nya
ani_44 (9:04:15 PM): nung tinanong daw siya na bakit yun kasama nya, ang sagot daw eh
ani_44 (9:04:31 PM): "tinatawagan ko si laarni, hindi ko naman makausap. sori na lang"
ani_44 (9:04:40 PM): THE NERVE!!!
ani_44 (9:04:58 PM): sagot naman daw ni ate anne "bakit, kala mo ba sasama sayo yun?"
ani_44 (9:08:04 PM): X-(
voltpop (9:08:48 PM): hahaha! buti na lng mahusay si anne
ani_44 (9:09:41 PM): sh@@#@t siya!
voltpop (9:11:34 PM): hehehe
ani_44 (9:12:32 PM): X-(v
oltpop (9:12:57 PM): wait lng ah... conference call lng muna
ani_44 (9:13:01 PM): okei
hoy ikaw na nagtitimpla ng kape sa paborito kong lugar,
ang kapal kapal kapal ng mukha mo!!!!!!
from the start pa lang, i made it clear na i want to take things slowly dahil hindi pa kita kilala. hindi porke si fr. adrian ang nagpakilala sayo, eh ibig sabihin noon ay ok ka na sa akin.
Oo, na-aattract ako sa looks mo dahil naka-salamin ka, kaso the moment you opened your mouth, dumausdos pababa ang tingin ko sayo. you are in a hurry to be in a relationship but you don't want to slow down for the getting to know you stage. Ang bitter mo! ako dumaan din sa pagiging bitter, pero pinilit ko ayusin at ibalik sa dati buhay ko. Ngayong ok na ok na ko, wag mo ko idamay sa bitterness at mga issues mo. and one more thing, ang agressive mo tsong! Hindi dahil sa medyo matagal na ko na walang boyfriend, it doesn't mean na i'll grab whoever comes along na lang. At naman, wala ka bang ibang ginagawa sa buhay mo? 15 text messages in a span of 30 minutes? Get a life!!! at wala kang karapatang imonitor ako, dahil 4 na tao lang ang pwedeng gumawa sa akin nun: nanay ko, ate ko, si marvin at SOBRANG close friends. me nabasa ka bang boyfriend o manliligaw? wala!!!
hindi na nga kita pinagkakausap dyan, pero for the sake of my Ministry kaya kita nireplyan sa wakas, pero dahil sa mga pinagsasabi at pinaggagawa mo, wag ka ng umasa!!!
ang thick talaga ng face mo! nang-gigigil ako sayo! tingnan mo naman ang effect mo sa akin, pati sa blog ko nailagay kita. Yun eh dahil sobra ang gigil ko sayo! Huwag na huwag kitang makikita sa Tayuman, at isasabit kita sa bell tower ng Immaculate Conception Parish! Mamili ka kung sino sa 4 na Evangelist na naka-display sa taas ng facade ang gusto mo makasama!
hindi ako matapobre pero this time: MAGTIMPLA KA NA LANG NG KAPE!!!