Wednesday, June 24, 2009

one of those days

March 21, 2007

Hindi ko alam kung paano sisimulan eto. Paano mo nga ba sisimulan yung isang bagay na tatapos sa isang napaka-halagang parte ng buhya mo? Siguro simulan ko sa pagkukwento. Marami ng nangyari, mga pagbabagong naganap. Nung una, malakas ang loob ko na sabihin na "ah, kaya jo yan!". magmula sa simpleng pag-intindi kapag hindi ka nakakatawag, hanggang sa pagtanggap ng mga salitang hindi ko naisip na manggagaling sayo, tinanggap at tiniis ko. Andun kasi yung pag-asa ko na kapag tinanggap ko lahat, in time, mare-realize mo yung pagkukulang mo, mamahalin mo na ulit akoo katulad ng sa dati, at babalik tayo kung saan tayo huminto.
Pero hindi pala ganun kadali yun. Natatandaan ko yun sa mga masasakit na pamamaraan. Lagi kong sinasabi, mabait naman ako, pero bakit nagagawa akong saktan ng taong mahal ko? Pero nalaman ko, hindi pala guarantee na kapag mabait ka, libre ka na sa mga unfair na bagay sa paligid mo. Natutunan ko din na kahit buong-buo ang ibigay mong pagmamahal sa isang tao, hindi yun sapat para hindi ka niya iwanan. Natutunan ko din na kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo mapipilit ang isang tao na mahalin ka katulad ng pagmamahal mo sa kanya. Nakakalungkot, dahil more than half a year ko ng pinipilit ang sarili ko sayo. Hindi lang dalawa o tatlong beses mo ng sinabi na maghiwalay na tayo, pero dahil sa pagpupumilit ko, napilitan ka pa din na bigyan ulit "tayo" ng ilang pagkakataon.
Akala ko kaya kong gawin yung para sa ating dalawa. Akala ko kapag nagtiis ako, magiging daan yun para mahalin mo ulit ako. at akala ko, darating pa yung araw na lahat ng pagtitiis, paghihintay at pagsasakripisyo ko, masusuklian at maaapreciate mo.
Akala ko kaya ko pa, hindi na pala. Minsan hindi ko namamalayan, umiiyak na pala ko, naiiyak ako sa tuwing naiisip ko yung sitwasyon na kinalalagyan ko. Siguro nga tama ka, na ang pagmamahal, dapat hinihintay at hindi hinihingi o pinipilit. Kung meron akong pinag-sisisihan sa apat na taon natin, siguro yun yung hinayaan ko na dumating yung time na mahal na mahal na pala kita. Pinag-sisisihan ko din na hindi pa siguro kita minahal ng sobra. Siguro kung mas higit pa yung binigay ko, baka sakali, mahal mo pa din ako ngayon.
I am finally, finally, letting you go. It pains me knowing that there will be no more "us" but rather two people, leading separate lives from now on. Hindi ko na siguro kailangan pang sabihin na mahal na mahal kita. Siguro kahit papaano, naparamdam ko yun sayo.
Laarni
I was cleaning my cabinet ng makita ko mga stuff na galing sa kanya. Then I saw this letter, one of the many letters i wrote during the course of our 4 year relationship. Those are letters na sinulat ko pero hindi ko binibigay sa kanya, sinusulat ko lang kapag sobrang bigat na ng nararamdaman ko. This letter was written 18 days before we broke up, everything was falling apart and i was contemplating on giving up already. But, I still decided to hold on. April 9, he decided to end things with me...
It's been 2 years and 2 months, i thought im already over him. But this past week brought many memories that made me think about him more. Pero sabi nga ni chelle, wala na kong kakapitan.... lapses lang to...

No comments: