Wednesday, June 24, 2009

5 years ago

Sa paglilinis ko ng cabinet and drawer ko, me nakita ako na kapirasong notebook. And eto ang nakasulat:

July 15, 2004
5 years from now:

1. Graduate na ko ng college

2. im starting my masteral studies

3. engage na ke morch :) (hopefully)

4. already working in a bank/financial institution

5. head na ko ng PPCRV sa Immaculate

6. me experience na...censored


June 24, 2009
5 years later (21 days short)

1. Graduate na ko May 5 2006 with a degree in Banking and Finance - check

2. Im finishing my masteral studies in Public Administration. 2 subjects na lang, then comprehensive examination, then research writing and then defense

3. Siyempre hindi na to mangyayari na sa kanya ako mae-engage,Morch and I broke up april 9 2007. Still wala pa din akong boyfriend after 2 years

4. I've been working since before my May graduation. I've worked for Times Trading from March 2006 - December 15 2007 as a Marketing Admin Assistant, then I transferred to Bureau of Quarantine on December 17 2007 as a Health Education and Promotion Officer, I'm on my 2nd year na. No banks or fianncial institution for me, hindi ko lang siguro talaga gusto

5. Head na ko ng PPCRV ng Immaculate Conception Parish Tayuman since Election '07, aside from that, Im the District Coordinator for District 2 Manila

6. Wala kong experience, because I've realized that it is not important. and peer pressure lang kaya ko nasulat 5 years ago yun.

3 out of 5...not bad. And God has given me more than what I've asked for. Me kasunod na list yun, 10 years from that day naman pero saka ko na lang isusulat

one of those days

March 21, 2007

Hindi ko alam kung paano sisimulan eto. Paano mo nga ba sisimulan yung isang bagay na tatapos sa isang napaka-halagang parte ng buhya mo? Siguro simulan ko sa pagkukwento. Marami ng nangyari, mga pagbabagong naganap. Nung una, malakas ang loob ko na sabihin na "ah, kaya jo yan!". magmula sa simpleng pag-intindi kapag hindi ka nakakatawag, hanggang sa pagtanggap ng mga salitang hindi ko naisip na manggagaling sayo, tinanggap at tiniis ko. Andun kasi yung pag-asa ko na kapag tinanggap ko lahat, in time, mare-realize mo yung pagkukulang mo, mamahalin mo na ulit akoo katulad ng sa dati, at babalik tayo kung saan tayo huminto.
Pero hindi pala ganun kadali yun. Natatandaan ko yun sa mga masasakit na pamamaraan. Lagi kong sinasabi, mabait naman ako, pero bakit nagagawa akong saktan ng taong mahal ko? Pero nalaman ko, hindi pala guarantee na kapag mabait ka, libre ka na sa mga unfair na bagay sa paligid mo. Natutunan ko din na kahit buong-buo ang ibigay mong pagmamahal sa isang tao, hindi yun sapat para hindi ka niya iwanan. Natutunan ko din na kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo mapipilit ang isang tao na mahalin ka katulad ng pagmamahal mo sa kanya. Nakakalungkot, dahil more than half a year ko ng pinipilit ang sarili ko sayo. Hindi lang dalawa o tatlong beses mo ng sinabi na maghiwalay na tayo, pero dahil sa pagpupumilit ko, napilitan ka pa din na bigyan ulit "tayo" ng ilang pagkakataon.
Akala ko kaya kong gawin yung para sa ating dalawa. Akala ko kapag nagtiis ako, magiging daan yun para mahalin mo ulit ako. at akala ko, darating pa yung araw na lahat ng pagtitiis, paghihintay at pagsasakripisyo ko, masusuklian at maaapreciate mo.
Akala ko kaya ko pa, hindi na pala. Minsan hindi ko namamalayan, umiiyak na pala ko, naiiyak ako sa tuwing naiisip ko yung sitwasyon na kinalalagyan ko. Siguro nga tama ka, na ang pagmamahal, dapat hinihintay at hindi hinihingi o pinipilit. Kung meron akong pinag-sisisihan sa apat na taon natin, siguro yun yung hinayaan ko na dumating yung time na mahal na mahal na pala kita. Pinag-sisisihan ko din na hindi pa siguro kita minahal ng sobra. Siguro kung mas higit pa yung binigay ko, baka sakali, mahal mo pa din ako ngayon.
I am finally, finally, letting you go. It pains me knowing that there will be no more "us" but rather two people, leading separate lives from now on. Hindi ko na siguro kailangan pang sabihin na mahal na mahal kita. Siguro kahit papaano, naparamdam ko yun sayo.
Laarni
I was cleaning my cabinet ng makita ko mga stuff na galing sa kanya. Then I saw this letter, one of the many letters i wrote during the course of our 4 year relationship. Those are letters na sinulat ko pero hindi ko binibigay sa kanya, sinusulat ko lang kapag sobrang bigat na ng nararamdaman ko. This letter was written 18 days before we broke up, everything was falling apart and i was contemplating on giving up already. But, I still decided to hold on. April 9, he decided to end things with me...
It's been 2 years and 2 months, i thought im already over him. But this past week brought many memories that made me think about him more. Pero sabi nga ni chelle, wala na kong kakapitan.... lapses lang to...

Tuesday, June 23, 2009

narsi



the many faces of Laarni

Eto ang tinatawag na Narcissism or sabi nga sa Wikipedia, the trait of excessive self-love based on self-image or ego hehehehe!


wala lang magawa sa office :D




















kwento

Liturgical Congress nung saturday (June 2o, 2009) sa SMX Convention Center. All members ng sub-ministries ng Archdiocese of Manila. 5,100 ang umattend, hindi pa kasama ang support staff at organizers.

Biruan nga namin:
1. Kung me dala na ko ng A (H1N1) virus (dahil galing ako sa airport duty ko), hundreds agad ang mahahawaan ko. Eh ako pa, Ms. Congeniality ako. Lakad dito, lakad dun. Bati dito, bati dun hehehe
2. Kung pasasabugin ang SMX, walang magseserve pagdating ng Linggo sa mga kani-kaniyang parishes hehehe. Thank God at wala namang nag-attempt na ganun.

Another thing happened...

Curious ako kung SBC boy attended the Congress. So i texted him

L: hi, asa congress ka ba?

SBC: yup, san ka banda?
(then he started calling, pero hindi ko sinagot)

L: uhm, asa dulo kami eh F1 (knowing na nasa kabilang dulo ang Vicariate nya)

SBC: anong color nyo (referring sa uniform na gamit namin)
(then he started calling again but this time di ko na sinagot kasi he has a tendency to be persistent)

and then voila! bigla siyang dumating. tinginan nga lahat ng taga ICP na nakaka-alam na me "something" sa pagpunta nya. At ang mga ngiti nila, priceless! Ako naman, natural lang pero medyo kinakabahan, siguro dahil dun na lang ulit kami nagkita ng up close. He said hi, and asked where Monsi is. Sabi ko wala pa, and I asked him kung sa Vicariate ba niya siya sumama. Oo daw. After nun, he said goodbye since magstart na yung Congress.

When he left, hiyawan ang mga kasama ko. Lester pointed out na I was sparkling daw, sabi ko nye nye nye! Sabi ni Les, ganda daw ng jacket na suot ni SBC, sabi ko oo nga eh. Isang salita ko lang daw, mapapasa-akin yung jacket hahahaha!!!

and then the Congress started.

But what made me smile the whole day?

It was the thought na sa 5,099 na tao sa loob ng SMX Convention Center, nakita pa din nya ko at napuntahan....


pero on the other hand, sabi nga ni Jolo, reminder daw yun na lumalaki na talaga ko kasi nakita pa din ako ni SBC hahahaha!